Pamamaalam Sa Tagapamahala
Tuesday, September 8, 2009
Pamama-alam sa Tagapamahala
By: Anonymous
Nakakalungkot isipin na ikaw ay wala na,
Ang totoo, kaming lahat, hindi makapaniwala.
Itinatanggi ng puso pati ng aming kaluluwa,
Yaong katotohanan na ikaw ay pumanaw na.
Paano ba sasabihin? Saan magsisimula?
Kailan matatanggap ng aming gunita?
Na ikaw na nanguna sa buong Iglesia,
Ay kinuha na ng Diyos at pinagpahinga na.
Sobrang sakit sa damdamin ng malaman ang balita,
Kaming lahat, kahit saan, ngayon ay nagluluksa.
Sapagkat sa aming isip hanggang ngayo'y sariwa pa,
Ang pagdiriwang na isinagawa ng buong Iglesia.
Noong Hulyo 27, natipon kaming lahat,
Sa iba't ibang panig ng mundo, kaming lahat, nagsigayak.
Mga hinirang ay nagdiwang ng buong galak,
Buong pusong nangako na magpapakatapat.
Napahanga ang lahat sa nakitang kaisahan,
Ng lahat ng hinirang sa mga huling araw.
Hindi nakubli ang dakilang katotohanan,
Na ang Iglesia'y nagniningning sa buong sanlibutan!
Ngayon, kaming lahat na iyong naulila,
Ay nagdadalamhati, hindi mapigil ang pagluha.
Marami ang tulala at hindi makagawa,
Sapagkat ang balita tungkol sa'yo'y totoo nga.
Ang higit sa lahat na aming ipinagluluksa,
Napakalayo namin sa aming sariling lupa,
Gustuhin man namin na ikaw ay makita pa,
Pasensiya ka na po, pero wala kaming magawa.
Ngayon, ito po ang aming dalangin,
Sa ating Ama na napakabuti sa atin;
"Ama, patuloy Ka pong maawa sa amin,
Huwag kaming pababayaan, patuloy Mo po kaming kupkupin."
Kapatid na EraƱo G. Manalo, Ka Erdie, kung tawagin,
Mananatili ka po sa aming mga damdamin.
Mga tagubilin na ipina-abot sa amin,
Pagsisikapan po namin na laging tuparin.
Doon sa Bayang Banal na pangako sa atin,
Tayo ay magkita-kita na taglay ang tungkulin.
Patuloy na umawit, Ang Ama ay purihin!
Kasama ni Jesus na umibig sa atin.
Amen.
Read more...